Kalihim ng Barangay

Website

Kalihim ng Barangay ✔️ Kalihim
✔️ Mag aaral
✔️ Nanay

Sa ikalawang araw ng sandbagging operations, patuloy ang pagtutulungan ng ating mga kababayan, DPWH, at Barangay Officia...
10/08/2026

Sa ikalawang araw ng sandbagging operations, patuloy ang pagtutulungan ng ating mga kababayan, DPWH, at Barangay Officials upang masiguro ang kaligtasan ng ating komunidad.

Nagkaroon din ng inspection at pagbisita sina Cong. Doris Nanay Bing Maniquiz , Mayor Ronald Apostol , mga kinatawan mula sa DPWH at LGU Cabangan, kasama ang mga Barangay Officials at nkapanayam ang ilang mga residente ng ating barangay, upang personal na makita ang sitwasyon at ang ginagawang pansamantalang hakbang upang masiguro ang proteksyon ng ating mamayan.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nakikiisa at naglalaan ng oras at lakas para sa bayan. Sa panahon ng pagsubok, mas pinapatunayan natin na ang pagkakaisa ang ating pinakamalakas na sandigan. 🤝❤️

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan, kasalukuyang  isinasagawa ang sandbagging operation sa pamamagitan ng pinagsamang puwer...
09/08/2026

Sa gitna ng patuloy na pag-ulan, kasalukuyang isinasagawa ang sandbagging operation sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng DPWH, Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales Council, at mga community volunteers.

Maraming salamat sa inyong oras, lakas, at malasakit para sa kaligtasan ng ating barangay. Ang inyong pagtutulungan ay patunay na mas nagiging matatag tayo sa harap ng anumang hamon kapag nagkakaisa ang bawat isa.

Ang paalala pa din po ng Pamahalaan Barangay ng Sto Nino Cabangan sa Pamumuno ni Kap Jose Bueno, na panatilihing ligtas, maging alerto at kalmado sa anumang pagkakataon. Mag antabay ng iba pang mga anunsyo at paalala mula sa LGU at Barangay. Maraming Salamat po.

PAALALA SA ATING MGA KA Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hinihi...
09/08/2026

PAALALA SA ATING MGA KA Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales

Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hinihikayat po ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at kalmado. Ugaliing makinig at sumunod sa mga abiso at protocol na inilalabas ng LGU at ng ating Barangay upang maiwasan ang anumang sakuna.

Lalo na po sa mga nakatira sa low-lying areas, tabing-ilog, tabing-dagat, at iba pang danger zones, makipagtulungan po tayo sa ating mga awtoridad. Kung kinakailangan ang pre-emptive o forced evacuation, ito ay para sa kaligtasan ng bawat isa at ng inyong pamilya.

Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago lumikas. Mas mabuting maagap kaysa magsisi sa huli.

📞 Narito ang mga numerong maaaring tawagan sa oras ng pangangailangan:

Barangay Santo Niño - 0930-089-5543
𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 (𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲) – 0997-687-7023
𝗣𝗡𝗣 (𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲) – 0998-598-5510
𝗕𝗙𝗣 (𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻)– 0951-017-2199
𝗥𝗛𝗨 (𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁) – 0929-109-9338
𝗠𝗦𝗪𝗗𝗢 (𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲)
– 0923-084-5303
𝗭𝗔𝗠𝗘𝗖𝗢 𝗜𝗜– 0928-436-5235
𝗖𝗪𝗗 (𝗖𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗪𝗮𝘁𝗲𝗿 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁) – 0930-207-6193

Stay safe, Barangay Santo Niño! Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat.

06/08/2026

🎂🎉 Happiest Bornday to our July and August Babies! 🎉🎂

Isang masayang pagbati sa inyong quadruple celebration: Sec Joey, Sec Juna, Sec Manang Viofe, at Sec Gracia 🥳🥳🥳🥳

Sabi nga ng Magic Flakes, 'Apat Dapat, Dapat Apat' — at dahil kumpleto ang apat, kumpleto rin ang saya! 🎉🥳

Salamat sa good vibes, kwentuhan, at masayang samahan. Mas masaya talaga ang bawat gathering kapag kumpleto ang friendship at may nakahaing masarap na foodingssss. 😊

Finally, nakulayan na ang samgy 🤣😂

Wishing you all good health, happiness, at marami pang blessings sa darating na taon. Enjoy your special month and keep spreading positive vibes wherever you go!

With all the love,

The Grab Team❤️

Insert Sec Jowana and Sec Riz 🥳




August 3, 2026Maraming salamat sa Provincial Veterinary Office ng Zambales sa matagumpay na pagsasagawa ng deworming at ...
03/08/2026

August 3, 2026

Maraming salamat sa Provincial Veterinary Office ng Zambales sa matagumpay na pagsasagawa ng deworming at artificial insemination services, para sa mga alagang hayop at livestock ng ating mga kabarangay sa Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales .

Ang mga programang ito ay malaking tulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga hayop, pagpapataas ng kanilang produksyon, at pagsuporta sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at livestock raisers.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mga barangay officials, livestock owners, at lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas napapalakas natin ang sektor ng agrikultura at napapangalagaan ang kapakanan ng ating mga hayop.

Maraming salamat at mabuhay ang serbisyong beterinaryo para sa komunidad!






🌱🍎 Nutrition Month 2026 Celebration at Sto. Niño Child Development Center 🍎🌱Matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng N...
30/07/2026

🌱🍎 Nutrition Month 2026 Celebration at Sto. Niño Child Development Center 🍎🌱

Matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ng Sto. Niño Child Development Center ngayong ika-30 ng Hulyo, 2026 na may temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat” at sub-theme na “Nutrisyon at Kalikasan Ating Pangalagaan!”

Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng iba't ibang mensahe mula sa mga panauhing pandangal, mga pagtatanghal ng mga bata, calisthenics, at acrostic poem presentation na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagsagawa rin ng feeding program kung saan namahagi ng sopas para sa mga bata sa pamamagitan ng pondo ng Barangay, bilang suporta sa patuloy na pagtataguyod ng kalusugan at tamang nutrisyon ng ating mga kabataan.

Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito—lalo na sa mga magulang, Child Development Worker, mga opisyal ng barangay, at mga batang kalahok.

Sama-sama nating itaguyod ang wastong nutrisyon para sa mas malusog at mas masiglang kinabukasan ng bawat bata.💚🥦🍉

🌱🍎🥕

📌 COMMUNITY PROFILE VALIDATIONJuly 24, 2026Matagumpay na naisagawa ang Participatory Risk and Vulnerability Assessment (...
25/07/2026

📌 COMMUNITY PROFILE VALIDATION

July 24, 2026

Matagumpay na naisagawa ang Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA): Community Profile Validation kasama ang Barangay Development Council (BDC), BResT, sectoral representatives, at iba pang stakeholders ng Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales .

Sa pamamagitan ng aktibong talakayan, sa pangunguna nina Mam Joesoa Mae Pangolino (CEF) at Mam Justine Carrera (MCEF), naisagawa ang pagpapatunay ng datos, mas napalalim ang pag-unawa sa kasalukuyang kalagayan, panganib, at pangangailangan ng ating komunidad bilang paghahanda sa mga susunod na hakbang ng PCRP gaya ng Walkthrough at Risk Mapping Activities.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa para sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na Barangay Sto Nino Cabangan ! 💚

🐾💉ANTI-RABIES VACCINATION ACTIVITYIsang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa isinagawang Anti-...
23/07/2026

🐾💉ANTI-RABIES VACCINATION ACTIVITY

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa isinagawang Anti-Rabies Vaccination Program sa ating Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales noong July 22, 2026

Sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office, katuwang si Brgy. Kagawad on Agriculture Dennis D. Dana, at iba pang Barangay Officials, at mga Barangay Health Workers (BHWs), matagumpay nating nabakunahan ang ating mga alagang aso at pusa bilang bahagi ng pagpigil at pag-iwas sa rabies sa ating komunidad.

📊 Kabuuang bilang ng mga nabakunahang alagang hayop:
🐶 116 Aso
🐱 56 Pusa
📌 Kabuuang 172 alagang hayop ang nabakunahan

Maraming salamat sa mga responsableng pet owners na naglaan ng oras upang mapabakunahan ang kanilang mga alaga. Ang inyong pakikiisa ay malaking hakbang upang mapanatiling ligtas ang ating mga pamilya, mga alagang hayop, at buong komunidad laban sa rabies.

Patuloy po nating pangalagaan at pabakunahan ang ating mga alagang hayop para sa isang mas ligtas, mas malusog, at rabies-free na Barangay Santo Niño!

🐾❤️

📢 PAALALA MGA KA- Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales 🐶🐱💉Ngayong araw ng Myerkules, ika-22 ng Hulyo, 2026, may babab...
21/07/2026

📢 PAALALA MGA KA- Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales 🐶🐱💉

Ngayong araw ng Myerkules, ika-22 ng Hulyo, 2026, may bababang kawani mula sa Provincial Veterinary Office, ngayong umaga upang magsagawa ng Anti-Rabies Vaccination para sa inyong mga alagang aso at pusa

Para sa mga interesadong pabakunahan ang kanilang mga alaga, mag-iikot po sila sa ating barangay kasama ang ating mga Barangay Officials at mga Barangay Health Workers (BHWs).

✅ Libre ang bakuna
✅ Para sa kaligtasan ng inyong mga alagang hayop
✅ Tulong sa pag-iwas sa rabies sa ating komunidad

Inaanyayahan po ang lahat ng pet owners na samantalahin ang pagkakataong ito at ipabakuna ang kanilang mga alaga.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! 💙🐾




Petsa: July 6, 2026Oras: 2:00 pmLugar: Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales Multipurpose HallPaksa: BDRRMC RE-ORIENTA...
06/07/2026

Petsa: July 6, 2026
Oras: 2:00 pm
Lugar: Barangay Santo Niño, Cabangan, Zambales Multipurpose Hall
Paksa: BDRRMC RE-ORIENTATION SA MGA TUNGKULIN AT PANANAGUTAN

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ating komunidad sa harap ng iba't ibang sakuna at kalamidad, matagumpay na isinagawa ang "BDRRMC Re-Orientation on Roles and Responsibilities" para sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Sto Nino Cabangan sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Cabangan.

Tinalakay sa re-orientation ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, na nagtataguyod ng isang komprehensibo, maagap, at nakasentro sa komunidad na sistema ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM). Binigyang-diin din ang buod ng mga tungkulin at pananagutan ng bawat miyembro ng BDRRMC, kabilang ang:

🔹 Pamunuan at Administrasyon – Nangunguna sa pamamahala, paggawa ng mga desisyon, at koordinasyon ng mga programa at gawain ng BDRRMC.

🔹 Pag-iwas at Pagpapagaan ng Panganib (Prevention and Mitigation) – Nagsasagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib at epekto ng mga sakuna sa komunidad.

🔹 Kahandaan (Preparedness) – Tinitiyak ang kahandaan ng barangay sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, pagsasanay, information dissemination, at iba pang paghahanda.

🔹 Pagtugon (Response) – Nagbibigay ng maagap at organisadong pagtugon upang mailigtas ang buhay, mapangalagaan ang ari-arian, at maipagkaloob ang agarang tulong sa panahon ng sakuna.

🔹 Pagbangon at Rehabilitasyon (Recovery and Rehabilitation) – Nangunguna sa pagpapanumbalik ng mga pangunahing serbisyo, kabuhayan, at imprastraktura upang makabangon ang komunidad nang mas matatag.

Ang gawaing ito ay higit pang nagpatibay sa kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BDRRMC upang maisakatuparan ang kanilang mandato alinsunod sa RA 10121 at mapanatili ang isang ligtas, handa, at matatag na pamayanan.

Lubos naming kinikilala at pinasasalamatan ang aktibong pakikilahok ng iba't ibang sektor ng ating komunidad, kabilang ang mga Senior Citizens, sa pangunguna ni Sto Niño Sr President Mrs. Judith Mangahas, Samahang Zambaleña (Kababaihan) na kinatawan ni Ms. Elizabeth Bacungan, Persons with Disabilities (PWDs) sa pangunguna ni Sto. Niño PWD President Ms. Joella Fernandez, Farmers na kinatawan ni KABISIG FARMERS Association President Mr. Mario Cabling, mga Mangingisda, Sangguniang Kabataan Santo Niño sa pag representa ni SK Kagawad John Mark Macalintal, kinatawan ng Academe mula sa Sto Niño ES na si Ms. Shirly Lorrene Arca Sanchez, mula sa CEGA and faith based group, kinatawan ni Pastor Lloyd Kristian Antonio Varona, LGBTQIA, mga Barangay Officials sa pangunguna ni Punong Barangay Jose G. Bueno at mga Barangay Personnel (BHWs at Barangay Tanods). Ang inyong presensya at pakikiisa ay nagpapatunay na ang kahandaan sa sakuna ay hindi lamang tungkulin ng BDRRMC kundi isang sama-samang pananagutan ng buong komunidad.

Sa ating Cabangan MDRRM Officer Sir Gregg Champ Del Rosario kasama ang mga MDRRM personnel, BFP sa pangunguna ni JFO3 Ariel D. Layda at mga kasama nya, gayundin kay PSMS Gene Aguillon na kumatawan sa Cabangan Mps Zambales Ppo, salamat sa pagbabahagi ng inyong kaalaman, at mga payo para mas mapanatili ang kahandaan at kaligtasan ng bawat isa.

**

Address

Lomboy Cabangan Zambales Near At Agra Gas Station
Cabangan
2203

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalihim ng Barangay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share