23/10/2026
⚠️ PUBLIC WARNING / BABALA SA LAHAT NG CUSTOMERS! ⚠️
Fake Fb: https://www.facebook.com/share/1DWXGq5CyK/
📢 PAALALA: MAY GUMAGAMIT NG AMING LOGO AT PANGALAN SA FACEBOOK NANG WALANG PAHINTULOT!
Nais naming ipaalam sa lahat ng aming customers, kaibigan, at followers na mag-ingat sa mga pekeng Facebook account o page na gumagamit ng aming pangalan at logo.
⚠️ Posibleng gamitin ang mga ito sa panloloko o scam. Kaya naman, mangyaring mag-ingat at siguraduhing beripikado ang inyong kausap bago makipagtransaksyon.
❌ HUWAG AGAD MAGPADALA NG PERA!
❌ Huwag basta magtiwala sa mga account na gumagamit ng aming logo at pangalan.
❌ Huwag magbigay ng personal na impormasyon o magbayad hangga't hindi nakukumpirma ang pagkakakilanlan ng kausap.
✅ PAKI-VERIFY MUNA kung ang kausap ninyo ay talagang opisyal na kinatawan ng aming negosyo.
📩 Kung may makita kayong kahina-hinalang account o page, mangyaring mag-message sa aming opisyal na page at magpadala ng screenshot o link upang maimbestigahan namin.
⚖️ PAHAYAG NG AMING NEGOSYO:
Hindi namin pinahihintulutan ang sinuman na gumamit ng aming pangalan at logo nang walang pahintulot. Hindi kami mananagot sa anumang transaksyong ginawa sa mga hindi beripikadong account na nagpapanggap na kinatawan namin.
🙏 Paki-SHARE ang babalang ito upang maiwasan ang posibleng panloloko at mabiktima ang iba.
Official FB Page
RealFix Gadgets Repair Station
RealFix Tagum Technician
Mag-ingat, mag-verify, at huwag basta magtiwala sa mga pekeng account! 🚨