24/10/2026
70K followers na tayo, mga ka-Hardwood! 🤎
Kaya may munting thank-you gift ako para sa mga naging clients namin. ☕✨
Ang unang 7 past clients na mag-iiwan ng review sa post na ito, kasama ang pictures ng furniture na na-deliver namin, ay makakatanggap ng FREE coffee table!
Rough at unfinished pa po ang coffee table, kaya kayo na ang bahalang magpa-finish nito. Marami pa kasi kaming nakapilang orders for finishing. 😊
For pickup only po sa workshop. Puwede rin kayong mag-book ng Lalamove para kunin ang coffee table.
Maraming salamat sa 70K na nagtitiwala at sumusuporta sa Hardwood Furniture Hub. Excited akong makita ulit ang furniture natin sa mga bahay ninyo! 🤎
-Diana