Dasmariñas City Health Office 4

Dasmariñas City Health Office 4

Share

Dasmariñas City Health Office IV

11/05/2026
Photos 11/05/2026
Photos from First 1000 Days PH's post 11/05/2026

Ang batang kumpleto ang serbisyong pangkalusugan sa First 1000 Days ay batang may mas maliwanag na kinabukasan!
Basahin at i-save ang post na ito para sa inyong susunod na check-up!

Photos from Philippine Health Insurance Corporation's post 11/05/2026

𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵
Magpatingin agad sa doktor kapag may kakaibang nararamdaman at gamitin ang iyong benepisyong PhilHealth para sa 𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 at 𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆/𝗰𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝘀𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗲𝘀𝘁𝘀.
Ang maagang pag-aksyon ay makapagliligtas ng iyong buhay. Simulan na ang pagsagawa ng preventive care ngayon!
Para sa detalye ng paggamit ng benepisyo, bumisita sa aming official PhilHealth YAKAP website: https://www.philhealth.gov.ph/yakap/

See less

11/05/2026

Ating ginugunita ang Safe Motherhood Week tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo. Ngayong taon, ang tema ay "Kalidad na pangangalaga sa Ina, kalusugan ng sanggol may garantiya!"🤰🏻
Paano mapapanatiling ligtas ang pagbubuntis, para siguradong healthy si Mommy at Baby? Madali lang 'yan! Huwag kalimutan ang mga sumusunod:
1) Magpa-antenatal check-up nang hindi bababa sa 8 na beses
2) Manganak sa health facility kung saan may trained healthcare professional na handa sa kahit anong emergency
3) Magpa-check up pagkatapos manganak nang hindi bababa sa 4 na beses
Paalala: Ugaliing kumunsulta sa health centers para sa schedule ng inyong antenatal at postnatal check-ups See less

Ating ginugunita ang Safe Motherhood Week tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Mayo. Ngayong taon, ang tema ay "Kalidad na pangangalaga sa Ina, kalusugan ng sanggol may garantiya!"🤰🏻

Paano mapapanatiling ligtas ang pagbubuntis, para siguradong healthy si Mommy at Baby? Madali lang 'yan! Huwag kalimutan ang mga sumusunod:
1) Magpa-antenatal check-up nang hindi bababa sa 8 na beses
2) Manganak sa health facility kung saan may trained healthcare professional na handa sa kahit anong emergency
3) Magpa-check up pagkatapos manganak nang hindi bababa sa 4 na beses

Paalala: Ugaliing kumunsulta sa health centers para sa schedule ng inyong antenatal at postnatal check-ups.

Photos from World Health Organization (WHO)'s post 11/05/2026

Hantaviruses are zoonotic viruses that naturally infect rodents and can occasionally spread to people.
Here’s what you need to know: what they are, how they spread, the symptoms, and how to prevent infection. 🔗 bit.ly/4wgAha0 See less

Photos from Philippine Information Agency's post 11/05/2026

Ang pangangalaga sa anak ay nagsisimula sa sinapupunan ng ina. Kaya’t napakahalaga na may sapat siyang kaalaman at suporta mula sa kanyang pamilya at komunidad upang matiyak ang ligtas na pagbubuntis.
Ngayong Safe Motherhood Week, pinaaalalahanan ang bawat isa na ang kaligtasan ng ina ay kaligtasan din ng sanggol. At sa mahalagang yugtong ito ng kanilang buhay, kaagapay ng bawat soon-to-be mom ang Department of Health (Philippines). Dahil ang ligtas na ina ay pundasyon ng matatag na kinabukasan.

06/05/2026

📢 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎‼️

✨ ️𝑩𝑼𝑵𝑻𝑰𝑺 𝑪𝑶𝑵𝑮𝑹𝑬𝑺𝑺: 𝑲𝑨𝑳𝑰𝑵𝑮𝑨 𝑨𝑻 𝑲𝑨𝑨𝑳𝑨𝑴𝑨𝑵 𝑺𝑨 𝑲𝑨𝑩𝑨𝑻𝑨𝑨𝑵𝑮 𝑩𝑼𝑵𝑻𝑰𝑺 ✨️

𝐊𝐄𝐋𝐀𝐍: 𝑴𝒂𝒚 8, 2026
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00 𝑨𝑴 𝒕𝒐 12:00 𝑵𝑵
𝐒𝐀𝐀𝐍: 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑷𝒂𝒍𝒊𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏 3 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

Magandang araw mula sa Dasmariñas City Health Office 4!

Aming inaanyayahan ang mga Teenage Pregnant mula sa Paliparan 1, 2 at 3 ngayong darating na Biyernes, May 08, 2026 sa Barangay Paliparan 3 Site Health Station na makiisa para sa gagawing programang 𝑩𝒖𝒏𝒕𝒊𝒔 𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒆𝒔𝒔 na may temang "𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈𝒂 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒏𝒕𝒊𝒔" sa pangunguna ni Mayor Jenny Austria-Barzaga sa pamumuno ng Dasmariñas City Health Office IV OIC, 𝑫𝒓. 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒓𝒊𝒄𝒂 𝑺. 𝑫𝒊𝒐𝒏𝒊𝒔𝒊𝒐. Magbibigay ng mga programang pangkalusugan para sa mga buntis sa pakikipagtulungan ng Dasmariñas Social Hygiene Clinic. at Paliparan 3 Barangay Captain 𝑯𝒐𝒏. 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒂𝒏𝒕𝒐 𝑪. 𝑴𝒂𝒚𝒂.

❇️ Mga Serbisyong Pangkalusugan na Ibinibigay:

✅️ Prenatal check-up
✅️ Laboratory services (HIV, Hepatitis B, and Syphilis Screening)
✅️ TD Immunization para sa buntis
✅️ Libreng gamot
✅️ Maternal at child healthcare
✅️ Nutrition support
✅️ Wellness education para sa mga buntis

Tara na at makiisa sa aming programa! Makipag-ugnayan lamang sa inyong pinakamalapit na health center para sa iba pang mga detalye.









28/04/2026

Ngayong World Immunization Week, paalala natin sa mga Mommy at Daddy, 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐢 𝐁𝐚𝐛𝐲, 𝐌𝐲 𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲.

Bumisita sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar at tiyaking kumpleto ang bakuna para sa malusog at ligtas na kinabukasan ni baby.

Sa ating paggunita ng World Immunization Week ngayong araw hanggang Abril 30—Magpabakuna, dahil Bakuna sa Lahat, Kayang-Kaya! 💉

Makilahok at magpabakuna dahil ang kalusugan ay responsibilidad ng bawat isa. 💚




Photos from City of Dasmariñas Health Education and Promotion Unit's post 28/04/2026

🔥🌞 𝐌𝐀𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐈𝐓? 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐊𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐓𝐄! 🌞🔥

Ngayong tag-init, hindi biro ang tindi ng sikat ng araw! Ang sobrang init ay maaaring magdulot ng mga sakit na delikado sa kalusugan tulad ng 𝐝𝐞𝐡𝐲𝐝𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐡𝐞𝐚𝐭 𝐜𝐫𝐚𝐦𝐩𝐬, 𝐡𝐞𝐚𝐭 𝐞𝐱𝐡𝐚𝐮𝐬𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐭 𝐡𝐞𝐚𝐭 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐤𝐞—na maaaring ikamatay kung hindi maagapan. 🥵💧

⚠️ 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐃𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭?
• Mabilis maubos ang tubig sa katawan
• Maaaring magdulot ng pagkahilo, pagsusuka, at matinding panghihina
• Mas delikado sa 👶 sanggol, 👵 matatanda, buntis at may iniindang sakit

💡 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐰𝐚𝐬?
✅ Uminom ng maraming tubig kahit hindi pa nauuhaw.
✅ Palakasin ang katawan at resistensya sa pagkain ng masusustansya.
✅ Magsuot ng magaan at preskong damit at gumamit ng payong o sumbrero.
✅ Iwasan ang matinding sikat ng araw (10AM–4PM)
✅ Mag-ingat din sa mga sakit tulad ng food poisoning.
✅ Huwag pabayaan ang sarili at ang pamilya.
✅ Manatiling alerto.

𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐓 𝐈𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐒𝐔𝐍𝐎𝐃 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐅𝐎𝐆𝐑𝐀𝐏𝐇𝐈𝐂𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐏𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐈𝐓!

🚨 𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍: Kapag may senyales ng matinding pagkapagod, pagsakit ng ulo, pagkahilo, o pagkawala ng malay—kumilos agad at humingi ng tulong!

💙 Sa tag-init, ang kaligtasan ay nasa tamang kaalaman at pag-iingat!

👉 𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐲𝐝𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝, 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢!

Want your business to be the top-listed Furniture Store in Dasmariñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Barangay Paliparan III
Dasmariñas
4114

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm