Samahan ng mga Mag-aaral sa Sining, Arte, Galaw at Tanghal Samasargata

Samahan ng mga Mag-aaral sa Sining, Arte, Galaw at Tanghal Samasargata

Share

Organisasyong pampaaralan na naglalayong makatuklas at makasanay ng mga mag-aaral na may talento sa

Ang organisasyon ng SaMaSArGaTa ay hindi iniaalay lamang ang sarili nitong kamalayan at suporta sa paaralan kung saan ito sumibol at nag-umpisa, bagkus, may adhikain rin itong tumulong at maipahayag ang saloobin ng lipunang walang kakayahang magsalita para sa kanyang sarili. Kami, ang SaMaSArGaTa, ay may nais ring humubog ng kabataang may talento sa anumang porma ng sining.

27/10/2024

At ito na nga…

23/10/2024

Hmmmnnnn…

16/07/2021
03/11/2020

"RECONNECT"
Isinulat ni D' Liit

I was blunt about everything I've asked. It produced tears as the lemon drops its droplet caused by squeezing life as much as the energy level drains harder and harder, for I started a hardbound of research, searching for a cure of the distance spacing between us as the silence arose and the deafening quietness swallows our foot.

Have we been flying? Perhaps our feet are not on the Earth any longer. Maybe, it was further above the peaks of the mountain tops, where fogs have danced along the way till you're lost in your own oblivion.

Perhaps, it was better that way... that I have been alone in dark where the cracks turned to solitude and the peace it brings me came forth the light it offers to uphold a brand new day.


Magandang araw sa inyo, kapuwa SaMaSArGaTa! Mag-ingat tayong nawa sa inyong mga pang-araw araw na buhay. Parating siyang manalig sa kakayahan at magtulong tulong sa bayanihan. Pagka't ang ating tatanawing bukas ay kasunod ng pagsikat ng araw na nagbibigay init sa naglalagablab nating puso't kaisipan.

31/10/2020

SaMaSArGaTa, handa ka na ba sa muling pagbabalik?

31/10/2020

"EWAN"
Isinulat ni: WiPa

Gusto niyang sumigaw
Pero ayaw niyang may makarinig

Gusto niyang mapag-isa
Pero ayaw niyang mawalan ng kasama

Gusto niyang sumaya
Pero pinipigilan ang ngiti

Gusto niyang magpatuloy
Pero kung sigurado siya, hindi

Kailangan niya ng kausap
Pero ayaw niyang magsalita

Hangad niyang may makaintindi
Pero ayaw niyang ipaunawa

Siya ay kunehong gustong magpalamon sa leon

Siya ang bukang liwayway na inaangkin ng hapon

Siya ang kulimlim subalit walang ulan

Siya ang pagod na bisig, walang mayakap na unan.

Nais niyang umidlip pero dilat ang mata

Nais niyang magkape pero walang magamit na tasa

Nais niyang kumanan pero di maiwan ang kaliwa

Nais niyang maging malungkot upang lalong lumigaya

LUNGKOT...

LIGAYA...

31/10/2020

"PAPANSIN"
- D' Liit

Limang beses na niyang ibinuka and bibig niya. Lima!
Hanggang sa maisarado niya ito ng pagkabagal-bagal, wala man lang nailabas ito ni tinig mula sa kawalan.

"Ano ba? Magsasalita ka ba?" singhal ng kausap niyang limang metro ang layo.

Napailing na lamang ang ale na naubos na ata ang pasensya. Napatalikod ito sa kausap na dalaga at napaharap sa drayber ng sasakyang kanilang kinauupuan.

Ng tumigil ang sasakyan ay bumaba na ang aleng minsan ng nag-init ang ulo sa oras na nasayang.

Umandar ng muli ang sasakyan, at ng mapadako ang paningin ng isa pang nakasakay na pasahero sa pinag-upuan ng kausap ng ale. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

Pagka't wala na ang dalagang hindi bumaba sa sasakyang kaniyang kinabibilangan.

31/10/2020

Someday with SMSRGT family. ❤❤❤

(Photo from Dreamlife page)

13/10/2020

Binabati ka ng buong Samahan ate Charlyn. 🤗🤗🤗

Congratulations to the winners of Spoken Poetry Contest with the theme "Makabagong Bayani'y Pasalamatan, Estigma ay Iwasan"

Winners:

Champion
"Ang Lumaban Hanggang Kamatayan"
Ni binibining Charlyn Monteagudo
Ave. Score 91.6

1st Placer
"Laban Ng Bagong Nakaraan"
Ni ginoong Nino Royo
Ave. Score 87

3rd Placer
"Pantablay"
Ni binibining Rica Joy Buhain
Ave. Score 86.3

Judges

Mr. James O'Briant
Member of the FASHION DESIGNERS ASSOCIATION OF THE Philippines, THEATER ARTIST and INDIE Actor, HAIR AND MAKEUP Artist, Pageant Enthusiast and Choreographer, Talent Manager

Ms. Myric De Guzman
Operations Manager | Sofia Ref-Dubai,
E5 furniture Shop Proprietor

Prof. Ferdinand Gimeno
Associate Professor 2 University of Rizal System in English, Education, Humanities, Rizal, Research

Ranking:
Entry No. 5 | 84
Entry No. 6 | 84
Entry No. 4 | 83.3
Entry No. 8 | 83.3
Entry No. 2 | 80.3
Entry No. 3 | 79.6
Entry No. 1 | 70

09/10/2020

Miss you all 😔

04/10/2020

🤗

Want your business to be the top-listed Furniture Store in Rodriguez?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Rodriguez