04/06/2026
Barangay Francisco Homes - Guijo, City of San Jose del Monte Bulacan
Official Page of Barangay Francisco Homes Guijo
04/06/2026
04/06/2026
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐈𝐬𝐬𝐮𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐧𝐠 𝐕𝐨𝐭𝐞𝐫 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
Ipinababatid na ang Processing at Issuance ng Voter Certification ay tuwing 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐄𝐒 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐀𝐁𝐀𝐃𝐎, 𝟖:𝟎𝟎 𝐚.𝐦. - 𝟓:𝟎𝟎 𝐩.𝐦.
Maaaring kumuha ng Voter Certification sa:
1.) 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 na nakakasakop sa lungsod o bayan kung saan ka nagparehistro; o
2.) 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐌𝐚𝐢𝐧 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 - 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗙𝗶𝗹𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 (𝗡𝗖𝗙𝗗), FEMII Building, extension Cabildo Street, Intramuros, Manila.
Ang Applications for Registration na natanggap ng COMELEC mula April 1, 2026 hanggang May 18, 2026 ay sumasailalim pa sa Election Registration Board (ERB) Hearing na nagsimula sa June 1, 2026.
Para sa mga naaprubahan na ang registration application, mangyaring makipag-ugnayan muna sa Election Officer ng iyong lungsod o bayan kung kailan maaaring makakuha ng Voter Certification.
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗔𝗧 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡.
04/06/2026
ANUNSYO!!!
🐶🐱📢 VETERINARY MEDICAL MISSION 2026 📢🐱🐶
Magandang balita para sa lahat ng mga fur parents!
Ang Pamahalaang Barangay Francisco Homes-Guijo ay magsasagawa ng Veterinary Medical Mission mula sa City of San Jose del Monte-City Veterinary Office sa darating na Hunyo 10, 2026 (Miyerkules) mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Barangay Multi-Purpose Hall.
📍 Mga Serbisyong Handog:
✅ Libreng Pagkakapon (Spay at Neuter)
✅ Microchipping
✅ Dog Registration
⚠️ 100 SLOTS LAMANG para sa libreng pagkakapon ng mga alagang a*o at pusa. Unahan sa pagpaparehistro upang masiguro ang inyong slot.
Ang programang ito ay bahagi ng ating pagsisikap na mapanatili ang kalusugan ng mga alagang hayop, maiwasan ang pagdami ng mga a*ong gala, at maisulong ang responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop sa ating komunidad.
🐾 Maging responsableng pet owner!
🐾 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng ating mga alagang hayop.
Kita-kits sa Hunyo 10, 2026 sa Barangay Multi-Purpose Hall!
30/05/2026
Ipinapaalam po namin na wala na pong schedule bukas para sa bakuna ng a*o at pusa naubos na po ang gamot natin..
Mag-aabiso na lamang po kaming muli kung magkakaroon pa po tayo ng gamot para sa anti- rabies vaccine.
Marami pong salamat.
28/05/2026
TIGNAN
Nagsagawa ng pagbisita at masusing inspeksyon ang mga opisyales ng barangay Francisco Homes Guijo sa Phase H covered court nakaraang linggo upang suriin ang kasalukuyang kalagayan ng pasilidad at alamin ang mga kinakailangang pagsasaayos para sa muling posibleng pagbubukas nito pati na rin ang pagpapaganda, pag aayos para sa ikabubuti ng komunidad. Bahagi ito ng kanilang layunin na mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng lugar na madalas gamitin sa mga aktibidad tulad ng palaro, pagpupulong, programa ng barangay, at iba pang gawaing pangkomunidad.
Inisyatibong pagkukumpuni at rehabilitasyon ang magiging hakbang upang mas maging maayos at ligtas itong magamit muli ng mga residente, lalo na ng kabataan. Tinalakay rin ang mga posibleng proyekto at hakbang upang muling mapanatili ang sigla ng covered court bilang sentro ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan.
Hinihikayat ng pamunuan ng barangay ang lahat na makiisa, magbigay ng suporta, at pangalagaan ang mga pampublikong pasilidad upang patuloy itong mapakinabangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa mga programa at proyekto ng barangay.
Sa pangunguna ng ating PB Celso Boy Apatan kasama ang SB Members pati na rin SK Chairwoman Sandra Piamonte sa pagtutulungang mapaayos ang Covered Court at tuluyan na itong muling magamit ng ating mamamayan lalo na ang mga Kabataan ng Barangay Francisco Homes - Guijo, City of San Jose del Monte Bulacan
28/05/2026
ANUNSYO!!!
📢 MASS ANTI-RABIES VACCINATION ANNOUNCEMENT 📢
Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na magdala ng kanilang mga a*o at pusa para sa MASS ANTI-RABIES VACCINATION na gaganapin sa:
📅 May 30–31, 2026
⏰ 7:00 AM – 11:00 AM
📍 Barangay Hall
⚠️ FIRST COME, FIRST SERVE ⚠️
Dahil sa kakulangan ng bakuna, limitado lamang ang mababakunahang alagang hayop. 100 slots lamang po.
Hinihikayat po ang lahat ng pet owners na MAAGANG magtungo sa Barangay Hall upang matiyak na mabibigyan ng bakuna ang kanilang mga alagang a*o at pusa.
📌 Mga Dapat Tandaan:
• Dalhin ang alagang hayop na may tali o cage
• Siguraduhing maayos at ligtas ang pagdala sa alagang hayop
• Panatilihin ang kalinisan at kaayusan habang nasa pila
Ang pagbabakuna ay mahalaga upang maprotektahan ang ating mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.
*** Sa mga nais din magpakapon ng kanilang mga alagang a*o at pusa kayo ay maaaring magpalista sa ating barangay para mabigyan ng schedule ang ating barangay ng City of San Jose del Monte-City Veterinary Office.
24/05/2026
100 days to go as we move closer to the Tanglawan Festival! ✨🔆
Pamilyang San Joseño, handa na ba kayo sa mas engrande, maliwanag, at makulay na selebrasyon sa The Rising City?
The wait is almost over! Abangan, malapit na…
23/05/2026
CCTO
MISSING DOG.
Where are u na "kobe: we miss u pls.contact us if u have an info.for our dog kobi. Phase m block 14 lot 6 Francisco homes Sjdm bul. Or our contact nos. 09567638904/09648791093
Kag.boy acosta /cathy/gab. Salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Telephone
Address
San Jose Del Monte
3023