San Miguel Mdrrmo

Call Directions Contact the business

San Miguel Mdrrmo Protecting Lives... Strengthening Communities...

13/10/2026
PAGHAHANDA at PAG-PAPLANO laban sa Super El NiΓ±o! β˜€οΈπŸŒΎATM: Matagumpay po na idinaos ang ating 4th Quarter Municipal Disas...
07/10/2026

PAGHAHANDA at PAG-PAPLANO laban sa Super El NiΓ±o! β˜€οΈπŸŒΎ

ATM: Matagumpay po na idinaos ang ating 4th Quarter Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting ngayong umagaa na pinangunahan ng ating magusay at epektibing Punong Bayan Mayor B**g Alvarez. Pangunahing tinutukan sa pagpupulong ang mga estratehiya, pagpaplano, at mitigation measures upang maaga nating mapaghandaan ang inaasahang epekto ng Super El NiΓ±o ngayong 2026-2027 sa ating bayan.

Kaakibat ang iba't ibang sektor ng lokal na pamahalaan, tinalakay ang mga konkretong hakbang upang masiguro ang sapat na supply ng tubig, pagkain, suporta sa ating mga magsasaka, at kaligtasan ng bawat pamilya laban sa matinding tagtuyot. Bukod po dito ang pagtatayo ng TASK FORCE SUPER EL NINO upang masiguro ang kahandaan ng pamahalaang bayan laban sa epekto ng Super El Nino sa ating mamamayan.

Hangad po ng pamahalaang bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng bawat mamamayan para sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel. πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™

Ang maagang pagpaplano ay susi sa ating kaligtasan. Sama-sama nating harapin ang hamon ng panahon! πŸ’ͺπŸ‚






Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng buong pamunuan at kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Managem...
03/10/2026

Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng buong pamunuan at kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ating Pamahalaang Bayan ng San Miguel na pinamumunuan ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez.πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™

Ang pagkilalang ito sa aming katangi-tanging kontribusyon at dedikadong serbisyo ay isang malaking karangalan na nagpapatunay sa bunga ng ating sama-samang pagtutulungan. Hindi lamang ito sertipiko ng tagumpay, kundi isang paalala sa aming sinumpaang tungkulin na unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan. Ang parangal na ito ay iniaalay namin sa lahat ng mga responders, bumbero, boluntaryo, at mga katuwang na ahensya na walang takot na tumutugon sa oras ng pangangailangan. Makakaasa po kayo na ipagpapatuloy ng MDRRMO ang mas lalo pang pinagtibay, tapat, at maaasahang serbisyo para sa isang ligtas at matatag na komunidad.

Mananatili po kaming maagap, tapat, at handang maglingkod sa inyo anuman ang hamon ng panahon! πŸ«‘β›‘οΈπŸš’ Maraming salamat po at Mabuhay ang Mayumong Bayan ng San Miguel‼️



ATM; EMERGENCY RESPONSE‼️ Structural - Commercial Building FireπŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯DATE: September 29, 2026TYPE OF EMERGENCY:  Commercial...
29/09/2026

ATM; EMERGENCY RESPONSE‼️
Structural - Commercial Building FireπŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯

DATE: September 29, 2026
TYPE OF EMERGENCY: Commercial Building Fire πŸ”₯πŸ”₯πŸ”₯
WHERE: San Pedro Camias, SMB
TIME OF CALL: 3:50PM
TIME TO DISPATCH: 3:52 PM
TOA at Scene: 3:54 PM
FIREOUT: 6:35PM
RESPONDERS: BFP San Miguel πŸš’ & MDRRMO Fire Rescue πŸš’

Rumisponde po sa mga tawag ng emerhensiya ang ating MDRRMO Fire Rescue Response Team (MDRRMO-FRRT) πŸš’ sa pangunguna po ng BFP San Miguel sa isang nasusunog na commercial building sa Sitio San Pedro Brangay Camias. Dahil sa epektibo at mahusay na pamamaraan ng ating mga pinasanib na mga bumbero at kagamitan, mabilis po nating napigil ang pagkalat ng apoy at tuluyang naapula ang nasabing sunog. Nagpapasalamat din po tayo sa mabilis na pagtugon ng mga bumbero mula BFP San Ildefonso, BFP San Rafael, BFP Baliwag City at iba pang mga fire volunteers na rumisponde sa tawag ng tungkulin. Mabuhay po kayoπŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™

Hangad po ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng bawat mamamayan para po sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel! πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™

"Isulong ang Kaunlaran, Sunog ay Iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailanganβ€ΌοΈπŸ’―βœ…"






🚦 PATALASTAS SA PUBLIKO: PAGBABAGO SA DALOY NG TRAPIKO PARA SA SAN MIGUEL FIESTA(Setyembre 28–29, 2026)Ipinapabatid sa l...
28/09/2026

🚦 PATALASTAS SA PUBLIKO: PAGBABAGO SA DALOY NG TRAPIKO PARA SA SAN MIGUEL FIESTA(Setyembre 28–29, 2026)

Ipinapabatid sa lahat ng mga biyahero, residente, at mga drayber na magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapiko mula Setyembre 28 hanggang Setyembre 29, 2026. Ito ay upang bigyang-daan ang mga gawaing panrelihiyon, prosisyon, at mga pampublikong aktibidad para sa taunang kapistahan ng ating patron, SeΓ±or San Miguel. Inaasahan ang pagdagsa ng mga deboto at bisita, kaya pinapayuhan ang lahat na magplano nang maaga upang maiwasan ang abala.

Hangad po ng pamahalaang bayan sa pamumuno ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat mamamayan para sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel. πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™


**gAlvarez

26/09/2026

OPISYAL NA RESIBO AT PAHAYAG NG PAGKONDENA

Mariing kinokondena ng Pamahalaang Bayan at ng Tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Miguel ang malisyoso, ilegal, at iresponsableng pagkuha at pagpapakalat ng larawan ng opisyal na sasakyan ng MDRRMO habang ito ay nakaparada sa Best Western Hotel. Ang naturang sasakyan ay naroon dahil ang mga tauhan ng MDRRMO kasama ang mga Dept. Heads ng pamahalaang bayan ay sumasailalim sa isang opisyal at lehitimong Basic Incident Command System (ICS) Training Course mula Setyembre 16 - 19, 2026. Ang Basic ICS po ay isang kritikal na pagsasanay upang mas mapataas ang kalidad ng serbisyo, pagresponde, at kaligtasan ng ating bayan sa panahon ng sakunaβ€¦βœ…βœ…βœ…

Hawak na po namin ang pangalan at address ng taong gumawa ng paninirang ito na mula sa FAMILIA GARCIA na nakatira sa Pampanga… isinagawa po ang malisyosong pagpicture bandang 2:29AM ng madaling araw Setyembre 19,2026. Ginagayak na po namin ang mga kaukulang kaso laban sa kanya at sa mga personalidad na nasa likod nito… Tunay pong malisyoso sapagkat nung araw na iyon madami pong red plate sa nasabing parking area dahil nakasabay namin na nag workshop ang Provincial Health Office sa nabanggit na hotel. Bukod po dito, yung isa pang fully marked service vehicle ng MDRRMO ay naka park mas malapit dun sa sinasabing establishimento pero sadyang piniling pinicturan ay ang sasakyan ng Hepe ng MDRRMO. Nananawagan po kami sa publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga FB posts na walang sapat na ebidensya at may layuning maghasik lamang ng negatibo at malisyosong opinyon laban sa MDRRMO at sa buong administrasyon ni Mayor B**g Alvarez πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘Œ

Ang MDRRMO San Miguel po sa pamumuno ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ay mananatiling tapat at nakatutok sa aming tungkulin na magsilbi nang marangal at may integridad para sa mamamayan ng Mayumong Bayan ng San Miguel.πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™




21/09/2026
OPISYAL NA PAHAYAG NG MDRRMO SAN MIGUEL:πŸ’―βœ…Nais po naming bigyang-linaw at iwasto ang isang post na kasalukuyang kumakala...
19/09/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG MDRRMO SAN MIGUEL:πŸ’―βœ…

Nais po naming bigyang-linaw at iwasto ang isang post na kasalukuyang kumakalat sa Facebook patungkol sa isang sasakyan ng MDRRMO na diumano ay nakaparada sa isang bar. Hindi po totoo na nasa isang bar, inuman or Hacienda Superclub ang nasabing gobyernong sasakyan.

ANG KATOTOHANAN, ang picture ng sasakyan sa FB Post ay na nakaparada sa parking area ng BEST WESTERN HOTEL METRO CLARK kung saan idinaos kamakailan ang Basic Incident Command System (ICS) Training Course mula Setyembre 16-19, 2026. Ang pagsasanay na ito ay dinaluhan ng halos lahat ng mga Department Head ng pamahalaang bayan sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, upang mas mapaghandaan ang pagtugon sa mga sakuna, upang mas mapataas pa ang kalidad ng ating serbisyo, pagresponde, at paghahanda sa panahon ng sakuna at kalamidad para sa kaligtasan ng mamamayan ng Mayumong Bayan ng San Miguel.

Nais po naming ipaalala sa publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa social media. Ang pagpapakalat ng mga maling balita o fake news ay walang idudulot na mabuti at maaari lamang makasira sa reputasyon ng mga kawani na tapat na naglilingkod para sa bayan.

Uulitin ko po... NEVER pong ginamit ang mga sasakyan ng MDRRMO sa mga gawaing labag sa batas... Mahigpit pong ipinagbabawal ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ang paggamit sa mga sasakyan ng pamahalaang bayan sa mga lakad at gawaing hindi opisyal. PAALALA sa susunod na maninira kayo para lang may fb content sana po yung totoo lang at hindi kasinungalingan. Magkita po tayo sa korte dahil magsasampa kami ng demanda sa mga may kagagawan ng malisyosong post na ito‼️

Bukas po ang aming tanggapan sa anumang lehitimong puna o katanungan. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtitiwala.πŸ’―βœ…πŸ’™β€οΈπŸ’™

PLS SHARE AND COMMENT PO MGA BATANG SAN MIGUEL‼️

KALINISAN AT KALIGTASAN PARA SA KAUNLARANπŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒATM: Sa direktiba po ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g...
12/09/2026

KALINISAN AT KALIGTASAN PARA SA KAUNLARANπŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘Œ

ATM: Sa direktiba po ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, nagsagawa po ng Cleaning Operations ang tanggapan ng MDRRMO sa mga road island barriers sa Camias San Pedro Highway - Junction upang mas maging epektibong gabay para sa kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng mga BATANG SAN MIGUEL at mga motoristang dumadaan dito. πŸ‘πŸ‘Œ

Hangad po ng pamahalaang bayan sa pamumuno ng ating mahal na Punong Bayan Mayor B**g Alvarez, ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng bawat mamamayan para sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel. πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘ŒπŸ’™β€οΈπŸ’™




STRATEGIC PLANNING WORKSHOPLGU SAN MIGUEL BULACANSeptember 8-10, 2026Royce Hotel, Clark Freeport, Angeles City, Pampanga...
08/09/2026

STRATEGIC PLANNING WORKSHOP
LGU SAN MIGUEL BULACAN
September 8-10, 2026
Royce Hotel, Clark Freeport, Angeles City, Pampanga

Pinangunahan po ng ating mahusay at epektibong Punong Bayan Mayor B**g Alvarez ang isang Strategic Planning Workshop para sa Lokal na Pamahalaan (LGU) ng San Miguel, Bulacan upang makabuo ng malinaw, maayos, at pangmatagalang plano para sa ikauunlad ng bayan.

Ito ay isang kritikal na gawain upang masiguro ang pagtatakda ng malinaw na direksyon, pag sunod sa batas, pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyon at para sa epektibong alokasyon ng mga resources ng oamahalaang bayan. Ito din ay napakahalaga sapagkat nasisiguro nito ang pagkakaisa ng Ehekutibo at Legislatibo, pakikilahok ng mamamayan, kahandaan sa mga sakuna at batayan sa pagsukat ng tagumpay.

Hangad po ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor B**g Alvarez, ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng bawat mamamayan para sa kaunlaran ng Mayumong Bayan ng San Miguel πŸ’―βœ…πŸ‘πŸ‘Œ


**gAlvarez

Address

Victor Street
San Miguel
3011

Telephone

+639177152016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Miguel Mdrrmo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to San Miguel Mdrrmo:

Shortcuts

Share